Thursday, May 8, 2014

DZMM:
Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang graft case laban kay dating Pang Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng P728 milyong fertilizer fund scam. Ito ang kinumpirma ni Atty. Raul Lambino, kampo ni CGMA, sa panayam ng Radyo Patrol batay na rin sa desisyon ng anti-graft court na pirmado noon pang Mayo 2. Matatandaang 2004 nang lumutang ang isyu at nadawit ang dating pangulo. "Nagamit pa ito para siraan ang dating Pangulo at kanyang administrasyon. Nagamit din ito ng mga nakaraang halalan, 2007, 2010, 2013.... pero nakatutuwa na pagtapos ng maraming-maraming taon at paghihintay dito sa kalalabasan  ng kasong ito ay sa wakas, lumabas na rin po ang desisyon, na dismissed nga itong kaso na ito laban sa dating pangulo," pahayag ng abogado. Dagdag ni Lambino, napatunayan ng desisyon na "walang legal and factual basis" na may kinalaman si Arroyo sa scam o sa kung anumang iregularidad sa paggamit ng pondo. Isa lamang anyang "political persecution" ang kaso at paglabag pa sa karapatan ng mambabatas. Batid na anya ni CGMA ang desisyon ng Ombudsman.

No comments:

Post a Comment