Sunday, April 13, 2014

REMATE: PCSO SCAM

Dapat na imbestigahan ni Justice Secretary Leila de Lima o ng NBI ang alegasyon sa PCSO scam! Nagbalita si PCSO Gen. Manager Jose Ferdinand M. Rojas II na may tumama sa Lotto 6/55 noong nagdaan na linggo. Sabi ni Rojas, napalunan daw ng isang taga-Makati ang P249,841,572.25 bilang premyo, 25 daw ang tumama sa limang numero na may premyong P169,410.00 kada isang ticket. Pero mukhang hindi natiis ng ilang empleyado ng PCSO ang magkakasunod na "winning millionaires" kaya nag-imprenta sila ng totoong resulta noong Abril 8. Batay sa "hard copy", walang nanalo noong petsa na iyon at dalawa lang ang totoong nanalo sa P169 libo! Kumakalat ngayon ito sa Facebook.

No comments:

Post a Comment