Wednesday, August 28, 2013

Bakit ba ang parang kriminal na hinahanap at dinidiin ay si Jannet Napoles lang? Hindi naman yata kaya nya gawin lahat ng ibinibintang kung walang kasama. Di ba sa pork barrel ng mga mambabatas galing ang pondo? At bago narerelease ang pondo, ito ay masusing pinagaaralan ng mga tauhan nila sa opisina at muling sinusuri ng COA Auditors na nag post audit, mga Kongresista at Senador na nag pondo pati na ang mga tauhan nila na sumuri at Nagrecomenda na approbahan ang proyekto bakit hindi nababanggit? Malinaw ang conspiracy, e bakit si Jannet Napoles lang at di kaalyado sa politiko ang pinagkakaisahan?

Tanong: Sila BSA, mar roxas, florencio abad, Drilon at mga miyembro ng LP noong 2007 to 2009 na pawang mambabatas noon, saan kaya ginastos ang kanilang pork barrel at kung ito kaya ay pumasa sa COA. Kung maayos nagastos nila ang pera ng bayan, pakiusap lang ipadyaryo nila ang mga projects na tinustusan at halaga ang kaukulang halaga nito pati kung sino ang Kontratista. Transparency ang tawag dyan!

No comments:

Post a Comment