Monday, July 1, 2013

Dzmm/Dzrh/Dzbb script: Mistulang umiiwas si president bs aquino hinggil sa isyu ng umanoy tangkang pangongotong ng ate nitong si ballsy

Dzmm/Dzrh/Dzbb script:
Mistulang umiiwas si president bs aquino hinggil sa isyu ng umanoy tangkang pangongotong ng ate nitong si ballsy at bayaw na si eldon cruz sa Czech company na Inekon. Sa 66th anniversary  ng PAF sa clark airbase sa pampanga naki usap ang isang media relations officer ng malakanyang sa ilang members ng mpc upang huwag nang itanong ang naturang isyu. Walang paliwanag ang naturang mro kung bakit hindi na dapat ipatanong ang isyu ng mrt scam at sinabi lamang na wala daw kasing katotohanan ang lumabas na balita. Natapos ang event nalaman na lamang ng mpc na nagku cover ng paf anniversary na hindi na pala matutuloy ang ambush interview sa pangulo. Wala na namang paliwanag dito ang mro ng malakanyang. Magugunitang una nang inamin ni didi sytangco - dating taga pagsalita ni pangulong cory aquino sa ilang mamamahayag na nagagalit ang tv talk show host na si kris aquino sa paratang sa kanyang ate bagamat inamin naman nito na minsan ngang nagtungo ng Czech republic ang ate at bayaw na umanoy namasyal lamang.

No comments:

Post a Comment