Thursday, July 25, 2013

Dzmm: Naghain ng panukalang batas si dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo para gawing krimen ang pagtira at pagninegosyo sa mga tulay at bangketa. Nakasaad sa ihinaing panukala sa Kamara ni CGMA at anak na si Camarines Sur Rep. Dato Arroyo na makukulong ng 30 araw at magmumulta ng isang libong puiso ang lalabag sa House Bill 1386 o Clear Sidewalks Act. Katwiran ng mag-inang Arroyo, malaking abala ang mga nagkalat na tindahan at temporary shelters sa mga bangketa at tulay. Sa panukala, ipagbabawal ang pagdaraos ng pagtitipon, pagtatayo ng tindahan at kulungan ng hayop sa mga tulay at bangketa.

No comments:

Post a Comment