Thursday, March 21, 2013

DZMM: Sa isang ambush interview sa Naga City, sinabi ni PNoy na mas magiging maingat na siya sa pagpili ng mga opisyal na itatalaga sa pamahalaan, kasunod ng kontrobersiya na nalikha ng pag-a-appoint nito kay former Lanao del Norte cong Macabangkit Lanto bilang COMELEC commissioner. Sinabi ng Pangulo na may mga preventive measures na inilatag ang search committee upang hindi na maulit ang nangyari sa kaso ni Lanto. Samantala, nakarating na rin sa kanya ang balita na nagresign na si Jaime Jacob bilang LTFRB chair ngunit tumanggi munang magkomento ang Pangulo hangga't hindi niya nakakausap ng personal ang opisyal.

No comments:

Post a Comment