dzmm teleradyo:
Nag-take over na ang National Security Council ng Malaysia upang maresolba ang standoff sa Sabah. Ibig sabihin, hindi na basta mga pulis ang may hawak ng pakikipag-negosasyon sa grupo ni Rajah Mudah Agbimuddin Kiram, kundi mismong gobyerno na ng Malaysia. Ayon sa kapatid ni Rajah Mudah na si Datu Pia Kiram na nasa hiwalay na bayan sa Sabah, sa huling pag-uusap nila ng kapatid ay nanindigan itong hindi lilisanin ang Lahad Datu. Sa ngayon, nagpapatuloy ang matinding negosasyon sa pagitan ng kampo ng mga Kiram at Malaysian authorities, pero nagbabala na ang huli na magsasagawa ng operasyon anumang oras ngayon dahil lumipas na ang ibinigay na palugit para lisanin ng mga Pinoy ang lugar.

No comments:
Post a Comment