Friday, October 19, 2012


DZIQ: ISSUE: SIN TAX BILL
- Kinumpirma ng MalacaƱang ang paghingi ng apology ni Finance Sec. Cesar Purisima kay dating Senate Ways and Means Committee Chairman Ralph Recto sa isyu ng Sin Tax Bill. Ayon kay Pres Spokesman Edwin Lacierda na humingi ng paumanhin si Sec. Purisima sa anumang misquotes at iba pang pahayag na maituturing na unproductive kasunod ng pagpapalabas ng Committee Report ni Recto tungkol sa Sin Tax Bill. Inamin din ni Sec. Lacierda na alam ni Pangulong Aquino ang ginawa ni Sec. Purisima dahil ito mismo ang nag-announce ng meeting ng mga Cabinet Members sa mga Senador tungkol sa isyu.

No comments:

Post a Comment