Wednesday, October 10, 2012

DZBB: ISSUE: PEACE PROCESS/BANGSAMORO (7:50-7:51 - Super Balita sa Umaga) by R. Salvacion - Sinabi ni House Min Leader Danilo Suarez na naniniwala ang Oposisyon sa Kamara na hindi ang paglikha ng Bangsamoro Entity sa Mindanao ang tuluyang tatapos sa karahasan at kahirapan sa Rehiyon. Aniya, hindi matatapos ang reklamo ng iba't ibang grupo sa kasunduan ng Gobyerno at MILF. Ngayon pa lang ay nangyayari na ito sa pag-usbong ng reklamo mula sa isang paksyong MILF at pati na ang MNLF na grupo ni Nur Misuari. Para naman sa iba pang miyembro ng Minority Bloc magiging problema pa rin ng gobyerno ang Mindanao dahil hindi nito nakonsulta ang iba pang stakeholders na baguhin ang Bangsamoro Entity.

No comments:

Post a Comment