Tuesday, August 14, 2012

DZMM: Sa halip na matuwa sa ginawang pagbisita kahapon ni Pangulong Aquino sa tanggapan ng PAGASA ay lalong nadismaya ang mga empleyado nito dahil nasermunan pa umano sila ng Pangulo. Wala man lang umano silang nakuhang inspirasyon sa mga pahayag ng Pangulo kundi mga hinanakit at pananabon nito sa kanilang mga taga-PAGASA. Pinaalalahanan din umano sila ng Pangulo sa itinatakda ng CSC ang pagbabawal sa kilos protesta sa loob ng tanggapan ng gobyerno. Sinabi rin daw ng Pangulo na huwag siyang pilitin ng mga ito itulak dahil mapipilitan din daw ang Pangulo na itulak ang PAGASA. Samantala, hindi pa sigurado kung matutuloy ang planong noise barrage ng mga taga-PAGASA sa Biyernes.

No comments:

Post a Comment