Sunday, August 5, 2012

Dzmm reporter: Ayon kay VMMC Director Nona
Legaspi, nilagyan nila ng swero si CGMA dahil dehydrated, nanghihina at hindi ito makakain. Nilinaw naman nito na wala namang dapat ikabahala sa kondisyon ng dating pangulo. Ayon pa kay Dir. Legaspi, posibleng dulot ng pagbiyahe ni CGMA matapos makapagpiyansa ang dahilan ng iniinda ngayon nitong cervical at lumbar arthritis. Pinayuhan naman nito si CGMA na magpahinga at ipagpatuloy ang pag-inom ng anti-pain medicine at tatlong beses kada linggo nitong physical theraphy sessions. Hindi pa masiguro kung hanggang kailan magtatagal ang mambabatas sa VMMC ngunit posibleng sa pagamutan na ito magpalipas ng weekend.

No comments:

Post a Comment