Tuesday, July 17, 2012

Dzmm reporter: Hinarang ng kampo ni dating pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang plunder case na isinampa sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa umano'y maanomalyang paggamit ng kliyente sa P365.9 milyong intelligence fund ng PCSO. Naghain na ng mosyon ang mga abogado ni Ginang Arroyo na sina Atty. Christian Diaz at Atty. Ma. Rosario del Rosario sa Sandiganbayan kahit hindi pa naira-raffle ang naturang kaso. Sa mosyon, sinabi ng mga abogado ng dating pangulo na wala silang natatanggap na kopya ng resolusyon ng Office of the Ombudsman para iakyat sa Sandiganbayan ang kaso. Nalaman na lamang aniya nila ito mula sa mga ulat ng media. Balak din anila ni Arroyo na maghain ng motion for reconsideration (MR) sa Ombudsman. Ang raffle sa kaso ni CGMA ay inaasahang maisasagawa sa Biyernes ng umaga sa Sandiganbayan.

No comments:

Post a Comment