DZMM: MATAPOS ANG 8 BUWANG PAGKAKA-HOSPITAL ARREST, NAKATUNTONG NA MULI SA KAMARA SI DATING PANGULO AT PAMP CONGW GLORIA MACAPAGAL-ARROYO KANINA. PASADO ALAS 4 NG HAPON DUMATING SA MABABANG KAPULUNGAN SI CONGW ARROYO NA AKAY NG KANYANG ANAK NA SI ANG GALING PARTYLIST REP MIKEY ARROYO NG BUMABA NG KANILANG SASAKYAN AT LUMAKAD PAPASOK NG SESSION HALL. BAKAS SA MUKHA NG DATING PANGULO ANG LABIS NA KASIYAHAN NANG MAKA-UPO NA ITO SA MISMONG PLENARYO HABANG NAGKAKAROON NG SESYON ANG MABABANG KAPULUNGAN DAHIL MATAGAL NA RIN SIYANG HINDI NAKAKADALO. AGAD DIN NAMANG UMALIS SI CONGW ARROYO DAHIL MISTULANG PRAKTIS O DRY-RUN LANG ANG PAGPUNTA NIYA SA KAMARA BILANG PAGHAHANDA SA KANYANG PAGDALO SA SESYON SA MARTES, ANG ARAW NG BOTOHAN KUNG ITUTULOY OA ANG DEBATE SA R-H BILL O HINDI NA. SA MAIKLING PANAYAM NG RADYO PATROL... INAMIN NI CONGW ARROYO NA HIRAP PA RIN SIYANG KUMILOS AT KUMAIN KAYA'T KAILANGAN PA RIN NIYA ANG SERYE NG THERAPY UPANG LUBOS NG GUMALING.
No comments:
Post a Comment