Tuesday, June 5, 2012

DZMM Teleradyo: Nilinaw ni ALMC Exec Director Vicente Aquino na hindi nila inimbestigahan si dating SC Justice Renato Corona at hindi resulta ng pagsiyasat sa bank accounts nito ang inilabas na report. Aniya, ang AMLC report na isinumite kay Omb Carpio-Morales na iprinisinta naman sa Senate impeachment court ay base sa datos ng mga bangko na electronically submitted sa kanilang tanggapan. Hindi naman diretsang masagot ni Aquino kung kaya niyang panindigan na 100-percent accurate ang AMLC report lalo't hindi naman sila nagsagawa ng sariling imbestigasyon kay Corona.

No comments:

Post a Comment