Wednesday, June 27, 2012

Dzmm Teleradyo: Binigyan ng 15 araw ng Pasay City RTC Branch 112 ang Comelec at kampo nina dating Pang. Gloria M-Arroyo, Lintang Bedol at Andal Ampatuan Sr. para makapagsumite ng kanilang pinal na argumento kaugnay ng motion to bail sa electoral sabotage. Kasunod ito sa pagtanngap ng Comelec sa lahat ng ebidensya at testimonya ng 12 testigo ng Comelec at apat na testigo nina Arroyo. Sa oras na makapagsumite na ang dalawang panig ng finals arguments, dedesisyunan na ni Judge Jesus Mupas kung dapat payagang makapagpiyansa ang dating pangulo na naka-hospital arrest pa rin sa VMMC at si dating Maguindanao Election sup Bedol ng hawak naman ng (PNP).

No comments:

Post a Comment