Wednesday, May 30, 2012

DZMM Teleradyo: Nagdala umano ng matinding takot sa hudikatura ang naging hatol kay Chief Justice Renato Corona. Ayon kay Supreme Court (SC) Dep Court Administrator Antonio Eugenio, masyadong pinersonal ni Pang Benigno Noynoy Aquino III ang kaso laban kay Corona na nagmistulang martial law gamit ang buong pwersa ng pamahalaan. Hindi lamang anya si Corona ang naapektuhan o maaapektuhan ng pagpapatalsik sa punong mahistrado kundi ang buong hudikatura. Sinang-ayunan naman ito ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at iginiit na posibleng kabahan ang iba pang mahistrado ng korte suprema na sumuway o sumusuway sa pangulo.

No comments:

Post a Comment