Sunday, May 27, 2012

Defense spokesperson Atty. Karen Jimeno as ABS CBN: Ang mag-a-argue for the closing ay ang aming lead counsel na si Atty. S. Cuevas at sasamahansiya ni Dean Angeles. Sesentro po sa Art 2, particularly sa Sec 2.3 na declaration po sa SALN. May paliwanag naman po ang CJ sa mga kinukwestyon na hindi niya naideklara. Yung ibang ari-arian nga po ay hindi naman sa kanya kundi multi-ownership. Sa foreign acct naman, nagbase po siya sa interpretation ng batas na hindi kailangang ideklara ito sa SALN. Lahat kami sa def team ay abugado. Wala sa amin ang pulitiko kaya mahirap para sa amin na magbilang ng kung sino sa mga senador ang boboto para sa amin. Sanay kami na nagdedesisyon ang korte kapag narinig na ang buong istorya ng magkabilang-kampo. Hindi pa rin tapos ang closing arguments kaya hindi namin matantya. Para sa akin, kung legal merit ang pag-uusapan, malakas ang Corona para ma-acquit. Ibig ko pong sabihin is kung may impeachable offense nga ba talaga.

No comments:

Post a Comment