Anthony Taberna on DZMM: RE: Corona impeachment "Ang pinakaimportante ay ang pagharap ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Palagay ko hindi lang mako-confine sa dollar accounts ang usapin kay Ombudsman Morales. Mula po doon sapag-o-oath taking sa kanya ni Pnoy hanggang sa mga pending cases sa Ombudsman na hindi niya dinedesisyunan agad. Mas mabagal daw po ngayon kaysa noong araw eh. Matatanong din po siguro ang kanyang pagiging kababag ni Chief Justice Corona mula pa noong siya ay Associate Justice. Pero magiging fair game po ito. Ang problema lang ngayon sa ibang mga nagrereklamo, nagtuturuan. Si Rep. Wladen Bello, aalis daw papunta sa ibang bansa. Si Harvey Que, hindi daw niya masesertipikahan iyan. Si dating Rep. Riza Hontiveros naman, ayos lang na humarap pero hindi daw siya ang unang nagsabi ng tungkol diyan. Ang problema, mukhang napaniwala ninyo ang ating mga kababayan na may $10-M tapos nagtuturuan kayo ngayon. Sana 'wag naman tayong bolahin dito, hindi lang ng depensa kundi pato ng prosekusyon.
No comments:
Post a Comment