Wednesday, April 11, 2012

DZMM: Natagpuang nakatayo sa isang simple at ordinaryong komunidad sa Roseville, California ang kontrobersyal na bagay na pagmamay-ari ng anak ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na si Charina. Salungat sa inaakala ng karamihan, isang tinatawag ng 'starter home' lamang ang natuklasan ng ABS CBN News sa pagsisiyasat nito sa Amerika. Ayon sa California Real Estate expert na si Atty. Norberto Reyes, ang Roseville ay isa sa matinding sinalanta ng foreclosure crisis sa Amerika mula noong 2006 kung kaya bumaba ng halos 50 porsyento ang halaga ng mga bahay na nakatayo dito.

No comments:

Post a Comment