Friday, March 9, 2012

Huwag naman sana taratuhing mga bobo at walang pakiramdam ang ating mga kababayan. Hindi kapanipaniwala na ang pagtatalaga sa mga kamag anak ng prosecution ay bago pa nagsimula ang impeachment ni CJ Corona. Sinong maniniwala na maghihintay pa ng 6 na buwan bago manumpa sa tungkulin? Karaniwan nga sa naitalaga nagkukumahog upuan ang puwesto maski hindi pa naitransmit ang appointment papers at baka may ibang pang mag interest. Linawin ng Palasyo na bakit hindi naideklarang bakante ang puwesto kung bakit naghintay pa ng mahabang panahon bago inupuan ito ng mga kamag anak ng Prosecution. Kung totoong matagal na itong mga appointment na ito, maari natin masabi na kaya nagtaasan ang presyo ng langis ay walang tao sa mga opisina ng PNOC at iba pa. Mga gunggong, tama na pambobola ninyo. Paki pasa hanggang umabot sa Palasyo.

No comments:

Post a Comment