Wednesday, February 8, 2012

Wow! Eto na naman ang Prosecution, pati witness nila. Kapag tinatanong, hindi sumasagot. Iba ang sinasagot sa mga tanong. Paano, kung talagang sasagutin ang mga tanong ni Cuevas at Enrile, mabibisto na wala silang kaso at ang baluktot nilang pagiisip at paggawa ng dahilan. Pati asal nila sa korte ng Senado, bastos. Paano, balibaliktarin man nila ang mundo, mali ang Prosecution. Patuloy pa rin nilang pinipilit na tama ang mali. Buti nalang pasensiyoso sina Cuevas at Enrile. Kung tutuusin, dapat yang mga ganyan kasing tigas ng ulo at mayabang katulad ng Prosekusyon ay nababangga na sa pader ang mga ulo sa katigasan at nasasailalim na sa Special Education Program sa katangahan nila na pinipilit na ipalunok sa atin.

No comments:

Post a Comment