Thursday, February 2, 2012

DZMM REPORTER: Doktor ni cgma iginiit na dapat pang manatili sa ospital na may rehabilitation equipment ang dating pangulo. Sinabi ni Dr. Sison di pa magaling ang dating pangulo dahil sa nakaraan nitong operasyon at kailangan pang sumailalim sa intensive physical therapy. Hindi pa makapag desisyon ang pasay rtc dahil sa kailangan pang i-cross examine ng mga prosecutor si dr. sison sa susunod na huwebes. Binawi na din ng depensa ang mosyon na makapunta sa libing ni cong. iggy si cgma ngunit nanatili ang mosyon nito sa lamay sa kongreso.

No comments:

Post a Comment