Sunday, December 11, 2011
Maaaring totoo nga po sinasabi ng malacañang at mga ka alyadong kritiko nila na may "special treatment" si dating pangulo. Nararamdaman nga po namin ang "special treatment" ng panggigipit na pagtrato sa kanya. Ang pagtanggal ng mga basic na karapatan ng isang accused detainee ay maikukumpara na sa kaparusahan sa isang convicted na bilanggo. Kitang kita po na kabaligtaran ang kanilang sinasabi sa kanilang ginagawa. Nalilito po kami kung ang kanilang hangad ay "protection" o "oppression". Kami po ay pinaglalaruan ng "rigodon" ng turuan na umiikot sa palasyo, dilg, pnp, doj, comelec at korte. Ito po ang "fair trial" at "special treatment" na sinasabi nila - husgahan at parusahan kaagad habang nakakulong si cgma.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment