Tuesday, December 13, 2011

DZMM TELERADYO: Naghahanda na ang mga empleyado ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) na magtungo sa Supreme Court mamayang hapon para suportahan si Chief Justice Renato Corona. Ayon kay Atty. Enrico Bandila, branch clerk ng QC-RTC Branch 215, ang paglahok ay hindi compulsary pero bukas para sa lahat ng mga empleyado ng korte na nagnanais suportahan si Corona. Marami na rin ang nakasuot ng itim sa hanay ng mga taga-QC-RTC. Sabi ni Atty. Bandila, isang text message aniya ang kumakalat kahapon hinggil sa pagsuporta kay Corona.

No comments:

Post a Comment